Isa lang naman talaga ang di natin pwedeng hindi gawin e, at yun ang paghinga. Ayaw mo maniwala? E tungerks ka pala e! Try mo wag huminga ng 5 mins, ewan ko nalang kung hindi ka magmukhang avatar.
Ang paghinga ay isang unibersal na gawain ng lahat ng nabubuhay sa mundo, kahit aso pa yan, o pusa, o kaya naman mukhang aso o mukhang pusa. Lahat tayo ay humihinga, yes we all breathe. Kasi kung hindi natin gagawin yun, malamang patay na tayerch lahat. Kayanga nga "Hangin ng Buhay" title ko e.
Ngunit ayon sa siyensa, science in english :> air is everywhere and it will continue flowing forever. Kung baga sa tagalog, ang hangin ay bawatsaan at ito'y parang ang love ko para sayo. Oo, cheesy ako.
Kung ganun, lahat ng hinihigop nating hangin ay nilalabas rin natin?
Ahhh, kaya pala may words na inhale at outhale. E kung ganun ano yung utot? Hangin din ba to o parang cologne lang na mabaho? Kasi isipin mo yung cologne, naamoy mo siya kahit walang hangin diba? Baka ganun din ang utot, amoy lang talaga siya na lumalabas sa cheeks na may butas sa gitna.
Pero nabasa ko sa isang physics book na ang utot daw e hangin nga. Oo, mahilig ako magbasa ng libro, libronguod ako! Tapos sabi sa libro na, ang utot daw e gawa sa mga maduduming hangin natin sa katawan. So kung hindi pa umuutot yung kasama mo ngayon, sabihin mo sakanya, "Ang baho ng laman-loob mo!" ..... malamang yan nasa isip mo ngayon, limang tuldok, yes that precise.
Wait, ano nga pala point ko? Ahh, ang utot ay ang hangin ng buhay. Kasi isipin mo nalang, lahat ng tao humihinga, at humihigop ng hangin ng sobrang daming beses sa isang araw. E ilan ba ang tao sa mundo? So kung di tayo uutot, malamang pagdating ng 2012 ubos na ang hangin sa mundo. Edi lahat tayo tepok. So wag kayo mabahala kung may umutot, kasi dahil sakanya di tayo mauubusan ng hanging ihihinga. :D
Tuesday, March 2, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment