Hindi ko na napigilan ang aking sarili kaya eto na ang pangatlong (at huling?) installment ng Butas Series.
Pinagtatakahan ko lang rin talaga kung bakit ang mga Venetian blinds, merong tatlong options: full sunlight in/zero-privacy (nakatago), blocking sunlight out/full privacy (nakababa) and sneaky-sneaky mode/varying-privacy-na-mukhang-stalker/serial killer (nakababa pero nakabukas). Meron naman kasing normal blinds, yung parang tarpaulin yung material tapos dalawang options: either raised or lowered. Unang-una, ang hirap kasi linisin ng Venetian blinds. Pangalawa, yung "pampadali" sa paglilinis, (wag na tayong magulat) binibili. Pangatlo at ang pinaka-importante sa lahat, wala naman dito (at hindi ako maniniwala kahit pilitin) na taga-Venice eh. Sa palagay ko kahit ang mga bampira, kurtina o kaya yung normal blinds ang gagamitin eh. Siguro nga para lang ito sa mga sadyang maarte kung gaano karaming photons ang pumapasok sa loob ng bahay nila.
Maghahanap pa ako ng iba pang mga butas na pwede pag isipan, hanggang sa muli! kthxbai. ;)
Tuesday, March 16, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment