Tuesday, March 16, 2010

Butas Part 2.

Tada! Part 2 is here! Lumayo na tayo sa usapang speakers at tumungo naman tayo sa susunod na pinakamaingay sa isang karaniwang araw sa kwarto ko... (especial na araw kapag pangatlo lang ito at ang winner ay ang haligi ng tahanan)

Ang bentilador. Bow.

Magtaka ka na, dahil pagtatakahin kita. Naisip ko lang, bakit nga ba ang mga bentilador may screen na hindi tumutupad sa layunin? Siyempre, ang una nating iisipin na purpose ng screen ay 'Safety!', pero malamang sa hindi ay para sa bata lamang yun (deep down, alam mong gusto mo ako kontrahin at sabihing maraming clumsy dyan, pero katabi nung deep down na yun, alam mong tama rin ako). Naisip ko, mas safety para sa fan blades ang screen kesa sa mga daliri ng mga chikiting.. Which brings us to the story-telling part of this post.. :D Sa aking natantong dual memory, may naaalala akong nabasag kong fan blade ng isang natatanging bentilador dahil ito ay nakabukas at ako ay malikot. The End. Sinabi kong dual memory kasi hindi ko sigurado kung ako nakabasag at nasaksihan ko lamang, o baka sa ibang lifetime nangyare, o baka naikwento lang rin sakin. Cool noh. May naiimagine rin akong part ng story kung saan kinalas ko ang buong bentilador, tinago sa aking bag ang mga kasyang parte, at ang iba ay binasura, at sinumbong na ninakaw ang kawawang bentilador, pero hindi ko alam sa dual memory ko kung totoo pa ba ito o ginusto ko lang mangyare...

Anyway, naisip ko kung ang mga filter mula sa naunang post kaya ang naging screen ng mga bentilador para hindi na kasya daliri ng mga bulinggit (at daliri ko kung na-tripan kong makita kung mapipigil ng isang daliri ang low-med-high fan levels ng test subject)? Kung nangyari naman yun, kukulangin ang pwersang pampahangin para masabing nape-preskohan tayo. Eh kung mag-aircon na lang kaya? Nawala na abaniko namin eh.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright © utak merienda | Theme by BloggerThemes & simplywp | Sponsored by BB Blogging