Tuesday, March 16, 2010

Butas Part 1.

Mabuhay! Ito'y dulot ng matinding kagustuhan ng aking mga daliri maitala ang kaisipan hanggang sa punto na hindi na ako makatulog..

Hindi ba kayo nagtataka kung bakit ang mga speakers, more often than not, may parang filter/strainer? Kinakailangan pa bang himayin ng mga filter na ito ang tunog na lumalabas sa speakers, na ang layunin talaga ay magbigay ng tunog based sa iyong input? Parang counter-productive ung specific part ng speaker kung iisipin natin ng ganun di ba? Pero kung ikukumpara natin sa mga concert hall kung saan tumutugtog ang mga orchestra, merong mga dingding na kinakabitan rin ng mga nasabing filter para itago ang totoong hugis ng mga pader na hindi kanais-nais sa mata pero sumusunod ayon sa acoustics para maganda ang resonance, reverbration at yung pagtalbog ng sound waves sa mga nasabing pader (whew, napakahabang pangungusap at hindi ko alam yung term para sa huling element). Aesthetics issue para dun, pero sa speakers kaya? Ano sa tingin mo? yes, parang adcong2009 lang eh. Watch out for Part 2, coming soon! Sooner than you think.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright © utak merienda | Theme by BloggerThemes & simplywp | Sponsored by BB Blogging