Thursday, March 18, 2010

Dreams of the Jobless

Blogger. Contributor. Writer. Sana ganito na lang ang aking trabaho: mag-isip at mag-"sulat" (oo na, typing ang tama). Pero dahil hindi naman lahat ng naiisip ko ay maaaring isulat at hindi lahat ng sinusulat ay maaaring kumita ng pera, kailangan pa rin maghanap ng trabahong magsusustento ng aking pamumuhay balang-araw.

May nabasa akong balita tungkol sa pagpapalit ng kotse ng mga pulis sa ginintuang lupa ng amerika at ang unang pumasok sa utak ko ay, "Sana ang trabaho ko na lang ay yung pulis na nanghahabol ng mga lumalabag sa batas, para lang mai-maneho ko yang kotse na yan" tutal, mahilig naman ako sa kotse at ako'y natutuwa sa kakayahan ng mga ito na magmabilis ng andar. Isa pa, kung naging pulis nga ako, hindi uubra sa akin ang mga batas pantrapiko (hindi ko sinasabing ako'y mahilig lumabag ng batas, ayaw ko nga ng abala na maidudulot noon kung sakaling mangyare yun eh), lalo na yung mga inimbentong batas ng mga lintik na taga-siyudad ng Makati na hinubog lamang sa dahilanang pangkurakot. At siyempre, magkakaroon ng halaga at maipaglalaban ang aking salita pag ako'y nagsusumbong sa "internal affairs" kung sino ang mga nangungurakot sa kalsada. Ang problema lang kasi, kapag dito sa Pilipinas ako naging pulis, anung kotse ang maipapaubaya sa naatasang manghabol? Buti pa sa "Fast & Furious 4" na ilang beses ko napanood nitong nakaraan na buwan sa HBO, ang bidang federal agent ay pwedeng kumuha lang basta-basta sa impound ng kotseng kakailanganin para sa misyon niya. Hindi lang yun, may nagagamit pa siyang garahe kung saan pwede niya kalikutin ang buong katawan ng kotse, loob hanggang labas. Eh dito? Alam na. Tsaka kung trabahong makakapangsustento ng pamumuhay ang hinahanap ko at kung ayaw ko sa kurakot, hindi maaaring tahakin ang ganoong hanapbuhay. Sa palagay ko kaya walang manghahabol dito ay dahil sa problema sa presyo ng gasolina. Baka ako pa pagmultahin.

Kung anu-ano talaga naiisip ng mga walang trabaho, pero minsan pare-pareho. Mabuti sana yun kung maraming naidadagdag dito sa ating pinakamamahal na mega-blog eh noh? Hanggang sa muli.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright © utak merienda | Theme by BloggerThemes & simplywp | Sponsored by BB Blogging