Thursday, March 18, 2010

Dreams of the Jobless

0 comments
Blogger. Contributor. Writer. Sana ganito na lang ang aking trabaho: mag-isip at mag-"sulat" (oo na, typing ang tama). Pero dahil hindi naman lahat ng naiisip ko ay maaaring isulat at hindi lahat ng sinusulat ay maaaring kumita ng pera, kailangan pa rin maghanap ng trabahong magsusustento ng aking pamumuhay balang-araw.

May nabasa akong balita tungkol sa pagpapalit ng kotse ng mga pulis sa ginintuang lupa ng amerika at ang unang pumasok sa utak ko ay, "Sana ang trabaho ko na lang ay yung pulis na nanghahabol ng mga lumalabag sa batas, para lang mai-maneho ko yang kotse na yan" tutal, mahilig naman ako sa kotse at ako'y natutuwa sa kakayahan ng mga ito na magmabilis ng andar. Isa pa, kung naging pulis nga ako, hindi uubra sa akin ang mga batas pantrapiko (hindi ko sinasabing ako'y mahilig lumabag ng batas, ayaw ko nga ng abala na maidudulot noon kung sakaling mangyare yun eh), lalo na yung mga inimbentong batas ng mga lintik na taga-siyudad ng Makati na hinubog lamang sa dahilanang pangkurakot. At siyempre, magkakaroon ng halaga at maipaglalaban ang aking salita pag ako'y nagsusumbong sa "internal affairs" kung sino ang mga nangungurakot sa kalsada. Ang problema lang kasi, kapag dito sa Pilipinas ako naging pulis, anung kotse ang maipapaubaya sa naatasang manghabol? Buti pa sa "Fast & Furious 4" na ilang beses ko napanood nitong nakaraan na buwan sa HBO, ang bidang federal agent ay pwedeng kumuha lang basta-basta sa impound ng kotseng kakailanganin para sa misyon niya. Hindi lang yun, may nagagamit pa siyang garahe kung saan pwede niya kalikutin ang buong katawan ng kotse, loob hanggang labas. Eh dito? Alam na. Tsaka kung trabahong makakapangsustento ng pamumuhay ang hinahanap ko at kung ayaw ko sa kurakot, hindi maaaring tahakin ang ganoong hanapbuhay. Sa palagay ko kaya walang manghahabol dito ay dahil sa problema sa presyo ng gasolina. Baka ako pa pagmultahin.

Kung anu-ano talaga naiisip ng mga walang trabaho, pero minsan pare-pareho. Mabuti sana yun kung maraming naidadagdag dito sa ating pinakamamahal na mega-blog eh noh? Hanggang sa muli.

Wednesday, March 17, 2010

American Idol Season 9

0 comments
after the very boring semi-final round of the new season of one of my favorite shows, AMERICAN IDOL, we're finally down to the top 12 finalists. So far, the performances this season have been nothing but mediocre. A few contestants have definitely disappointed me. Having seen the performances during hollywood week and having seen a couple of stand-out and memorable auditions during the first couple of shows, it seemed that this batch has a lot of potential. However, during the semi-finals, is it me or does the finalists seem pretty off.

Over the years, this is the round where the finalists shine and give us a taste of what they have to offer. But during this season's semi-finals, it was just really boring and the finalist had been giving us very "amateur" sounding performances. This is new to me because even though they are amateurs, American Idol has always delivered artists, of course not everyone, that give us "professional" sounding performances, something to rave about, something to watch over and over again, and something that will leave a mark to our ears and our hearts.

So far, i have been a little disheartened by the quality of performances that these so called performers should be delivering us in our television screens week after week. But right now, if there is one performer for me that really gives his all and delivers a passionate performance every week, that is Michael Lynche. He's definitely not the best singer, definitely not the best looking person up on the stage, definitely not the best dancer, nor is he the most creative artist among the bunch, however, if there are 2 things that separate him from the rest of the contestants on the show, that is energy and passion. He, to me, is the only performer up there that provides a sparkle of energy and delivers songs with a passion that marks a memory in the minds of many week after week. Take note, WEEK AFTER WEEK, not just during one of the many shows they have during this season so far.

I seriously hope that the contestants this season step up and start firing up the stage like "real" performers!!!

Right now I really don't know whether or not Michael Lynche can win the whole thing, maybe not, but I would like to make a prediction. I will call the shot this time.

Michael Lynche will be part of the top 3 of American Idol Season 9.

There it goes...

Who's your pick this season? Leave a comment!:)

for the meantime, check out his performance during the top 12 show. enjoy. click the link:)

Miss You (Rolling Stones Night)

Tuesday, March 16, 2010

Butas Part 3.

0 comments
Hindi ko na napigilan ang aking sarili kaya eto na ang pangatlong (at huling?) installment ng Butas Series.

Pinagtatakahan ko lang rin talaga kung bakit ang mga Venetian blinds, merong tatlong options: full sunlight in/zero-privacy (nakatago), blocking sunlight out/full privacy (nakababa) and sneaky-sneaky mode/varying-privacy-na-mukhang-stalker/serial killer (nakababa pero nakabukas). Meron naman kasing normal blinds, yung parang tarpaulin yung material tapos dalawang options: either raised or lowered. Unang-una, ang hirap kasi linisin ng Venetian blinds. Pangalawa, yung "pampadali" sa paglilinis, (wag na tayong magulat) binibili. Pangatlo at ang pinaka-importante sa lahat, wala naman dito (at hindi ako maniniwala kahit pilitin) na taga-Venice eh. Sa palagay ko kahit ang mga bampira, kurtina o kaya yung normal blinds ang gagamitin eh. Siguro nga para lang ito sa mga sadyang maarte kung gaano karaming photons ang pumapasok sa loob ng bahay nila.

Maghahanap pa ako ng iba pang mga butas na pwede pag isipan, hanggang sa muli! kthxbai. ;)

Butas Part 2.

0 comments
Tada! Part 2 is here! Lumayo na tayo sa usapang speakers at tumungo naman tayo sa susunod na pinakamaingay sa isang karaniwang araw sa kwarto ko... (especial na araw kapag pangatlo lang ito at ang winner ay ang haligi ng tahanan)

Ang bentilador. Bow.

Magtaka ka na, dahil pagtatakahin kita. Naisip ko lang, bakit nga ba ang mga bentilador may screen na hindi tumutupad sa layunin? Siyempre, ang una nating iisipin na purpose ng screen ay 'Safety!', pero malamang sa hindi ay para sa bata lamang yun (deep down, alam mong gusto mo ako kontrahin at sabihing maraming clumsy dyan, pero katabi nung deep down na yun, alam mong tama rin ako). Naisip ko, mas safety para sa fan blades ang screen kesa sa mga daliri ng mga chikiting.. Which brings us to the story-telling part of this post.. :D Sa aking natantong dual memory, may naaalala akong nabasag kong fan blade ng isang natatanging bentilador dahil ito ay nakabukas at ako ay malikot. The End. Sinabi kong dual memory kasi hindi ko sigurado kung ako nakabasag at nasaksihan ko lamang, o baka sa ibang lifetime nangyare, o baka naikwento lang rin sakin. Cool noh. May naiimagine rin akong part ng story kung saan kinalas ko ang buong bentilador, tinago sa aking bag ang mga kasyang parte, at ang iba ay binasura, at sinumbong na ninakaw ang kawawang bentilador, pero hindi ko alam sa dual memory ko kung totoo pa ba ito o ginusto ko lang mangyare...

Anyway, naisip ko kung ang mga filter mula sa naunang post kaya ang naging screen ng mga bentilador para hindi na kasya daliri ng mga bulinggit (at daliri ko kung na-tripan kong makita kung mapipigil ng isang daliri ang low-med-high fan levels ng test subject)? Kung nangyari naman yun, kukulangin ang pwersang pampahangin para masabing nape-preskohan tayo. Eh kung mag-aircon na lang kaya? Nawala na abaniko namin eh.

Butas Part 1.

0 comments
Mabuhay! Ito'y dulot ng matinding kagustuhan ng aking mga daliri maitala ang kaisipan hanggang sa punto na hindi na ako makatulog..

Hindi ba kayo nagtataka kung bakit ang mga speakers, more often than not, may parang filter/strainer? Kinakailangan pa bang himayin ng mga filter na ito ang tunog na lumalabas sa speakers, na ang layunin talaga ay magbigay ng tunog based sa iyong input? Parang counter-productive ung specific part ng speaker kung iisipin natin ng ganun di ba? Pero kung ikukumpara natin sa mga concert hall kung saan tumutugtog ang mga orchestra, merong mga dingding na kinakabitan rin ng mga nasabing filter para itago ang totoong hugis ng mga pader na hindi kanais-nais sa mata pero sumusunod ayon sa acoustics para maganda ang resonance, reverbration at yung pagtalbog ng sound waves sa mga nasabing pader (whew, napakahabang pangungusap at hindi ko alam yung term para sa huling element). Aesthetics issue para dun, pero sa speakers kaya? Ano sa tingin mo? yes, parang adcong2009 lang eh. Watch out for Part 2, coming soon! Sooner than you think.
0 comments
Mga kuya at ate, pumunta at makigulo sa aming event na para sa Project:Brave Kids

Isang maikling background sa matutulungan niyong NGO, tumutulong sila sa pagbibigay ng chemotherapy sa mga batang walang kapasidad na gumastos upang makakuha ng ganitong serbisyo mula sa mga ospital.

Bigyan natin ng kaukulang panahon ang NGO na ito upang makapagbigay pa sila ng tulong sa iba pang nangangailangan na bata. Salamat Po.

Hindi lang doon nagtatapos, may inumin, sayawan at tugtugan sa event na ito. Hip hop and Rnb ang tugtog. Makipag-sosyalan sa mga taong hindi mo kilala, kumausap ng mga chix na maari mong maging nobya, kumausap ng mga macho gwapito, tulad ko, at baka ako na ang susunod mong nobyo.

Gasthof, A Venue, Makati Ave, Makati
preselling 220 doorcharge 250
March 26, 2010, Friday
8 onwards
You know what to wear

Monday, March 15, 2010

Anong hayop ang palaging naka-brip?

0 comments
Bird.


Eh sa aming mga manunulat? Sino sa amin ang hindi nagsusuot ng brip?


Lahat.


Abangan...

Friday, March 5, 2010

Dash Entertainment

0 comments

Dash Entertainment from EJ Angeles on Vimeo.

DASH ENTERTAINMENT

a facebook vid created by a bunch of guys. we hope to see more of these

Hosted by
JDash Maningas

Cinematography by
Anton Angeles

Written by
Miguel Ortega and JDash Maningas

Directed and Edited by
EJ Angeles

Produced by
Go Motion Productions

Pambansang Ibon

2 comments

Growing up, we all had to learn the national treasures of our beloved country through our history lessons (aralin panlipunan, civics and culture, or hekasi at kultura). Now, i hate to be the "un-nationalistic" person in the bunch but i just realized that... wait let me shift to Filipino since this entry has a lot to do with being a Filipino.

Mabalik tayo sa topic, napaisip lang ako kasi having learned these national treasures nga (pasensya na tag-lish nalang), from our pambasang prutas na manga to our pambansang laro na "sipa", these are things that i usually see in my daily life. I mean, being national treasures or symbols, I think given naman na ata na dapat madalas natin sila nakikita dito sa Pilipinas at kahit papano ang bawat Pilipino ay may first hand experience dito sa mga natutunan natin maliban sa napulot lang ang mga aralin na ito sa eskwelahan.

So now, let's go to where i'm getting at na talaga... i am just curious, it says that our pambansang ibon ay ang Philippine Eagle, o sa Filipino ay ang Agila ng Pilipinas, subalit, sa 18 years ;) ng aking kabuhayan at ng pamumuhay ko dito sa Pilipas, ay ni isang beses ay hindi pa ata ako nakakita ng isang Philippine Eagle. I mean if that is our National Symbol for Birds, aren't we supposed to see tham everyday?! I've never seen it anywhere... not outside my house, not in my village, not even in national landmarks like Rizal Park or ang sikat na sikat na tambayan ng mga lasalyano na agno (yes, national landmark ang agno).

Seriously? NEVER? Have you?

Puke!

1 comments
Was referring to throwing up because of my inclination to alcoholism. I'd bet my ice-cold lingguy that you read it in a different manner and expected a hormonal outburst. Aminin.

Slice of Life: Parking Lot

0 comments
Last night, i just had one of the most irritating and craziest moments of my lifeeeeee. alam ko that at times i over exagerrate stories and i'm sure that i still will, but for this entry, i WILL OVERLY EXAGERRATE this story dahil lang sa kababawan at sa kasabawan na nangyari sakin...

A few weeks ago, birthday ng kapatid ko (Happy biirthday Rgie), so the evening of his big big day, me and my family went to dinner for his bithday. then, on our way home, i was walking to the parking lot already... it was an empty parking lot since late na kami natapos and then as i was walking towards my car, meron pang isang car na nagppark dun. tapos as i walked by the car who just finished parking, lumabas na ung person na nakasakay and turns out, the person driving was one of my friends in high school (itago nalang natin sya sa pangalan na "RAFFY"). So as i would normally do, i greeeted my friend "Raffy" and so this is how our very fast conversation went... (super fast conversation)

Robin: Hey "Raffy"!!! What's up my man!?


"Raffy": Oi ROBBIE! bukas pa ba ung mga stores??


RobiN(still walking towards my car and extremely DUMBFOUNDED): UHH? TINGIN MO???


(conversation ends)


ok. that may be one of the fastest and simplest and probably a normal conversation if you were to see an old friend in passing... but as i entered my car... napaisip lang talaga ako. napaisip ako kung gano kasabaw at gano kalabo nung nangyari just awhile back. i realized that there were 2 mistakes during our conversation and i will enumerate it for you.


MISTAKE #1: "Raffy's" first line for me was, "Oi ROBBIE!"


ok. my name is ROBIN. With an N! how can you miss the N?!?! sa tagal tagal nating magkakilala sa high school at sa tagal tagal nating naging classmates at ang sa pagkaalala ko at tinawag mo rin akong ROBIN dati nung naging classmates tayo at nagkikita tayo EVERYDAY sa high school, ngayon na nagcollege tayo at nagkaiba lang tayo ng college, ay bigla mo na kong tinawag na ROBBIE?!?! where'd that come from? tinawag naman kita sa tamang pangalan mo na "RAFFY"(pseudo-name;)) ha! SABAWWWWWWWW! seriously?!?!


MISTAKE #2: "Raffy's" 2nd line for me was, "Bukas pa ba ung mga stores??"


who in the right mind would think that, an empty and a very dark parking lot with lead to OPEN STORES?!?! hindi ba ni "raffy" napansin na sobrang dilim na nung parking lot at sya nalang ata ang nagiisang kotse dun na nagppark!?(a mystery i may never ever find out in my whole life) at ang naisip pa nyang tanong sakin ay, "bukas pa ba ang mga stores??" WHAT?!?! pakiulit?!? TINGIN MO?! seryoso lang?! hahaha! nakakadena na nga ata ung main door ng alabang town center e! once again, SABAWWWWWWW!


WOW. i know that i may appear as though i'm fuming with madness from what happened, but this is actually supposed to be a funny experience for me and you should too. there goes my zobel friends again, you never fail to make me laugh and make me think twice. and of course, you never fail to give me another SABAWWWW story to tell. i'm not much of an advocate for SABAW anymore.. i used to be. but moments like that remind me of the fun and yet very "blurry" moments of our high school lives. haha. and for that, i thank you "Raffy" for that little conversation we had... but seriously?!?! ANO SA TINGIN MO?!?! habang nagpapark ka magisa, hindi mo ba napansin na ikaw nalang tao dun at umasa ka pa na bukas pa ung mall?!? WAAAH! hahah i still can't take the story off my mind... it still stings my memory to this day.. and confuses my mind to no end... i still remember entering the car and feeling crazy like WHAT THE HELL JUST HAPPENED?! i felt so confused all of a sudden... whew. maybe that never actually happened? i don't really know... things like that make my day. having a story to tell the next day. even if it's as SABAW as that... wow. what an experience.


true story.


-BTM.

Tuesday, March 2, 2010

Hangin ng buhay

0 comments
Isa lang naman talaga ang di natin pwedeng hindi gawin e, at yun ang paghinga. Ayaw mo maniwala? E tungerks ka pala e! Try mo wag huminga ng 5 mins, ewan ko nalang kung hindi ka magmukhang avatar.

Ang paghinga ay isang unibersal na gawain ng lahat ng nabubuhay sa mundo, kahit aso pa yan, o pusa, o kaya naman mukhang aso o mukhang pusa. Lahat tayo ay humihinga, yes we all breathe. Kasi kung hindi natin gagawin yun, malamang patay na tayerch lahat. Kayanga nga "Hangin ng Buhay" title ko e.



Ngunit ayon sa siyensa, science in english :> air is everywhere and it will continue flowing forever. Kung baga sa tagalog, ang hangin ay bawatsaan at ito'y parang ang love ko para sayo. Oo, cheesy ako.

Kung ganun, lahat ng hinihigop nating hangin ay nilalabas rin natin?

Ahhh, kaya pala may words na inhale at outhale. E kung ganun ano yung utot? Hangin din ba to o parang cologne lang na mabaho? Kasi isipin mo yung cologne, naamoy mo siya kahit walang hangin diba? Baka ganun din ang utot, amoy lang talaga siya na lumalabas sa cheeks na may butas sa gitna.

Pero nabasa ko sa isang physics book na ang utot daw e hangin nga. Oo, mahilig ako magbasa ng libro, libronguod ako! Tapos sabi sa libro na, ang utot daw e gawa sa mga maduduming hangin natin sa katawan. So kung hindi pa umuutot yung kasama mo ngayon, sabihin mo sakanya, "Ang baho ng laman-loob mo!" ..... malamang yan nasa isip mo ngayon, limang tuldok, yes that precise.

Wait, ano nga pala point ko? Ahh, ang utot ay ang hangin ng buhay. Kasi isipin mo nalang, lahat ng tao humihinga, at humihigop ng hangin ng sobrang daming beses sa isang araw. E ilan ba ang tao sa mundo? So kung di tayo uutot, malamang pagdating ng 2012 ubos na ang hangin sa mundo. Edi lahat tayo tepok. So wag kayo mabahala kung may umutot, kasi dahil sakanya di tayo mauubusan ng hanging ihihinga. :D

Monday, March 1, 2010

magingat sa iniihian mo..

3 comments
..para sa mga charing na mahihilig gumamit ng kubeta sa kun saansaang lupalop ng maynila..



sa ating mga tao.. di maiiwasan ang tawag ng panahon upang iluwal natin ang sariwang tubig sa ating mga murang katawan.. at paminsan sa lakas ng agos mula sa ating mga scrotum ang ating utak na tanging merienda lamang ang inaatupag ay di hamak na magtyatyaga sa kun san mang kubeta, puno, pader, gulong, atbp...



ang mga tao ay hayop din naman.. at hindi masisi kapag ang pangangailangan ay mlubha na.. ngunit.. sana.. IPINAPANGARAP ko sa lahat ng mabuting kalooban sa mundo na hindi kayo maabutan ng pagkakataon na makaranas ng naranasan ko...





tama.. "AWWWKWWWWAAAARD" ang sitwasyong napala ko.. nang ako'y di na makapigil.. at di na makaisip.. etoh ang una kong nadatnan kong kubeta.. at sa kagandahang palad.. ako pa ay may nakasabay.. at sa mga malilikot niyang mga mata.. ang birheng kong katwan ay nabutas.. at sa mura kong edad.. ang ibong matapang at laging galak ay biglang nahiya at nagtago sa kanyang pugad..



etoh ho ay isang paalala mula sa karansang di malilimutan.. magiingat po kayo sa mga lugar na ini-ihian nyo..


naglilingkod lagi...

- JTM








What is the MOST MEMORABLE ACTIVITY for You?

1 comments
The utak. Conceived as a ravenous, unstoppable force in the conscious world. Responsible for millions of magical splash island dreams and unlimited creativity especially during body movements with heat and exhaustion (sports kasi eh...ano ba yang utak you!). We all have utaks; i love mine and i wish i could give it a name. I wish it would answer me whenever i talk to it...alas, it not!

So instead, let's talk about memories. I had my fair share and i'm looking forward to create more. My horsepower's giddy and wanting to throttle into you know what. So, share with me your MOST MEMORABLE ACTIVITY! Let's put parameters (charot! - charing na maharot) into this...how about: What is the most memorable activity you've had...with me?? Ahihihihi :)


Ang angas ng school uniform nila, at kung magposing sa class picture gusto kong sumigaw ng "p***ng i*a this!" Look at 'em, lahat sila may hawak pang chalk, heavy noh? Yan ang superb and staunch memory making! And oh, love those multi-colored tights nga pala. Ahihihi.


Para fun! Yung pinakagusto kong memory na minemorize mo sa memorya mo na mapipili ko sa isang tao, lilibre ko ng katarantaduhan sa buhay. Katarantaduhan na habambuhay nating pagsasaluhan at pagnanasahan. You name it! ;)

Post niyo nalang sa comments kung kakagat kayo sa beta testing kong blog interaction. Tenks!

Pero ikaw, mahilig ka ba sa mahahaba?

Mario
Small Lingguy, Ultra-tremendous Libido.
Hindi Mahilig sa Mahahaba. Cute (sana).
 
Copyright © utak merienda | Theme by BloggerThemes & simplywp | Sponsored by BB Blogging