Sa La Salle, may sarili tayong kalsada na puwedeng yosihan. Take note KALSADA, ROAD, ! Hindi tulad ng ibang school, may smuckets o isang part lang ng campus na puwedeng yosihan, iba sa Pamantasan ng De La Salle, hindi dinidiscriminate ang nag-yoyosi, hindi nga puwedeng mag-yosi at magkalat ng upos sa loob ng campus pero gumawa ng paraan ang mga Bro ng Pamantasan para mas maging kumportable ang mga estudyanteng gustong magpatanggal ng istress sa buhay. Sa agno, may mga pag-kain pa, Food Stalls na nakalaan para sa estudyanteng hindi kaya bumili ng mamahaling pagkain, na malinis at fit for human consumption, eto ay nakalaan para sa mga estudyante, (minsan ay para rin sa mga kagalang galang na propesor), upang makatipid at may matira pambili ng yosi at inumin (alak ang aking tinutukoy sa pagbanggit ng inumin).
OLD SCHOOL AGNO
Dahil hindi sapat ang kalsada lamang, may mall, Take note MALL, rin sa tabi ng unibersidad, ang sikat na University Mall, sa loob ay may mga stalls na ngbebenta ng cobra, junk food, softdrinks, at higit sa lahat yosi. Ngunit, datapwat, subalit, hindi lang hanggang doon ang kayang i-offer ng aming University Mall, pagdating mo sa 2nd floor, may mga nagpaparent ng mga PS2, Xbox, at PC. Solb ka kung bored ka, at gusto mong sulitin ang unlimited cuts mo pag D.L. ka. o gusto mo lang magcut, o umalis sa classroom dahil panget ang propesor.Ang plus factor dito, AirCon na nagyoyosi ka pa! Saan ka pa? U.M. na!?
WAIT! THERE'S MORE! Simula 2nd floor hanggang 3rd floor gimikan. Hindi lang isa o dalawa ang inuman sa U.M, marami! At hindi lang basta gimikan, may sounds sila, hip-hop, house, kung anu trip mo meron sila, hindi lang sounds, chicks pa, galing St. Scho, CSB, at hunks tulad ng mga may-akda nitong blog na toh na mga true blood Green Minded.
*dahil sa i-rerenovate ang U.M.mawawala ang mga bar na ito, at ang tsimis ay bawal na mag-yosi sa loob.
Para sa mga gusto ng live band, pumunta tayo sa G.P. the place to be. Marami ring food stalls at madalas ginagawa tong place kung saan ngcecelebrate ang mga may birthday o kung anu mang event (pag bumagsak o ng d.l., kung anu-ano lang.)
Kung ang Pilipinas ay may Rizal at Bonifacio, ang La Salle ay may Jenny, Steven Cigar, Mommy Sylvia, Kuya Sandy, Ate Rica at marami pang mga bayani. Susubukan ko silang talakayin sa susunod kong pagsusulat.
Jenny from the Taft
Kung kaya't halina at mag-enroll sa University of De La Salle, where your future begins and ends in CSB. Both located at Taft Avenue, Malate, Manila.
St. John Baptist de La Salle, pray for us. Live Jesus in our hearts, Forever.
Tuesday, April 6, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comments:
St. John Baptist De La Salle, pray for us. St. Benilde, pray for us. Live Jesus in our hearts, forever. From my grade school days at Taft (1965-1972) that was our prayer. There is a bumper sticker that also reads: "Live Jesus in our hearts...Honk twice if you know the response" and when I do, I never fail to receive acknowledgement from the guy on the wheel, especially if he was my age. Funny reminiscing things for you and with you, the younger set. Agno St. up to Noli St., was our friendly neighborhood playground, it was safe, quiet and cooly lined with trees and where my old classmate's mansion (his name: Juan Eugenio Tan Banico)used to stand before DLSU annexed the property and my fondest memories. But with openness to change and gladness of heart, the area remains hallowed DLSU ground for you and I to share the yesteryears and now. ANIMO LA SALLE!
Post a Comment