Thursday, April 15, 2010

Philippine Bear

May Strawbeary, San Miguel Bear, Bear na Bear, Gold Eagle na bear, Bear Brand, Bearnard Palanca, mga Bearly Legal sa mga club, Teddy Bear, Bearwin yung comedyanteng yahooooo na magician rin, at tulad ng ibang bansa sa planet natin, may Octobear, Novembear at Desembear rin tayo dito sa Pinas.

                            OH YEAH! BEARNARD!!!!! HUNKS KA PALA AH!
                                                 Anu kinain mo REF?

OO! KORNY AKO! EH ANU MAGAGAWA MO?

Bakit kaya wala talagang Bear o Oso dito? ito ang OSO ngayon! :) .....

Ang mga oso[1] o mga osa[1], kung babae, ay mga malalaking mamalya sa pamilyang Ursidae ng order na Carnivora. Inuuri ang mga oso sa mga caniform, o mga tila-asong carnivoran, na ang pinakamalapit na mga namumuhay na kamag-anakan ay ang mga piniped. Bagaman may walo lamang na mga nabubuhay na espesye ng oso, malawak ang nasasakupan ng mga ito at lumilitaw sa iba't ibang uri ng mga pook sa buong Hilagang parte ng mundo at sa ilang bahagi ng katimugang hemispiro.
Kabilang sa pangkaraniwang katangian ng mga oso ang pagkakaroon ng maikling buntot, mabisang pang-amoy at pandinig, ang pagkakaroon ng limang di-naibabalik na mga kuko sa bawat kamay at paa, at pagkakaroon ng mahaba at makapal na balahibo.
http://tl.wikipedia.org/wiki/Oso : copy paste...

Sa aking paghahanap sa loob ng internet napagalaman ko na may Palawan Bearcat, o Palawan Osongpusa... Hanggang doon lang, wala na ako mahanap na iba. Rare espesye pa ata tong Osongpusa na toh. Bakit naman kaya walang bear dito sa Pinas, PURO BUWAYA KASI! ang rami sa congreso o! segwey done. Napagisip ko lang na hindi kumpleto ang camping sa Mt. Makiling o sa ibang bundok kung hindi ka matatakot sa oso. Hindi ba't sa mga banyagang pelikula laging hinahabol ng bear ang isang group na magtent sa gitna ng kabundukan, tapos nakakatawa. Sayang lang ang hiking kung hindi mangyayari yun dito. Tiyaga ka nalang pagpiyestahan ng mga lamok na naghahatid ng dengue at malaria.

Sana kahit Panda meron tayo... Pero kulay dilaw, asul, puti, at pula. Para matawag nating Philippine Bear!

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright © utak merienda | Theme by BloggerThemes & simplywp | Sponsored by BB Blogging