Sa totoo lang, di naman talaga ako takot sa ipis e. Okay, honestly, ayoko sila, pero kung nandyan sila at nakikita ko, wala naman ako pake. Pero t*ng*na, iba yung feeling kapag alam mong may ipis sa pwesto mo pero di mo alam kung saan. Kumbaga sa suspense movies, alam mong may mangyayari, di mo lang alam kung kailan.
Kanina lang, habang nagdadrive ako sinabi ng kapatid ko, "Ipis ba yun?", "yung dumaan sa dashboard". Syempre titingnan ko, tapos punyeta meron nga! Isa siyang FULL-GROWN ipis! Tapos humarap pa sakin, habang nasa harapan ng steering wheel, alam mo nasa isip ko? "PUTANG, pag to lumipad sa mukha ko... !*#^(%)" At nung nakita ko nga, napa-tili na ko, eh tatay ko nasa gilid ko. "IPIS LANG YAN! TUMINGIN KA SA DAAN!" ako: "EHHH!"
Tapos binuksan ko yung pinto, pero di ko napalabas, HASSLE! pumunta siya sa ilalim ng upuan ko. Diretso taas paa ko e, tapos hindi ko pala na hand-brake, so gumalaw patalikod yung kotse. "UMAYOS KA AH! UMAANDAR TAYO! ANG ARTE, AKO NA NGA MAGDADRIVE!" sabi ni tatay, ako naman, "O sige." biglang labas ng kotse.
Isa sa pinaka-awkward na feeling yun, habang nasa kotse kami at traffic. HASSLE sobra! hahaha! Wag lang talaga ang ipis sa kotse. nyeta, mababangga talaga ako. :))
Saturday, April 17, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment